Friday, December 21, 2007

Pipigilan Ko Ang Araw sa Paglubog... (MaTet komiks n0. 4)

Dati, naging paborito kong mag-ulam ng Liver Spread nung bata pa ko, ihahalo ko lang sa kanin (tulad ng addiction ko dati sa bagoong atsaka toyomansi). Wow, solb.

Kaso natapos agad ang addiction nung kinder kami ng utol ko, me panahon ng minimum yata ng 3 beses sa isang linggo kami nagu-ulam ng liver spread tuwing almusal, bago pumasok ng school. Panahon din kase na laging puyat si Ermat sa pananahi, halos wala na ring oras para magluto, at alam niyang ubra naman sa amin ang peyborit naming ulam na palaman. Eh kaso noon ko rin na-realize na ang liver spread sa kanin ay walang lasa sa mga oras na gusto mo pang matulog. Katunayan, sa ngayon nga, ni hindi ko na ma-imagine na kakain ako ng “liver spread rice”… Hohhumm…


Nwei, nagpatuloy ang naturang feeding program. Paunti-unti dumalang, hanggang tuluyan nang hininto nung mag-grade 1 ako. Pinalitan ng itlog. Yehey.

Pero impernes, masipag akong mag-aral nung kinder. Nagka-medal pa nga ako. Napapate-teorya tuloy ako kung me kinalaman dun yung liver spread... *hikab*



No comments: