Tuesday, January 8, 2008

Komiks para sa mga naga-abang ng UPCAT results


Hindi ako nag-UPCAT dati. Hindi ako nag-attempt, kase ang tingin ko noon, pang-matalino lang talaga ang UP. Tsaka baka tawanan lang ako ng mga ilang friends, mga bully, at mga kakilalang taga pilot section kapag nalaman nilang kumuha ako. Tsaka ibang school ang pinapangarap ko noon: USTe!

Pero kahit sa ika-3 lobby ng exam result doon, hindi nakalusot. Ewan ko nga ba... bigla siguro akong nawalan ng oxygen sa utak nung paghitit ko nang ilang yosi bago mag-exam, sa sobrang nerbiyos. Ayun, dahil bumagsak nga, bigla ko na ulit naisipang mag-UPCAT. Pero sa panahon na yun, tapos na raw ang reg at yung exam mismo sabi ng pinsan ko noon.

Kahit hindi ako naka-grad ng bachelor, mula noong pagkapasok ko as freshman, hanggang sa lumutin, hindi pa rin ako makapaniwalang nakapag-aral ako sa UP. Buti napag-isip na noon ng admin ng UP na hindi sapat na basehan ang UPCAT (or exam para sa matatalino't tsambalero) para pagaralin ng gobyerno't maglingkod sa bayan. Nakapasok ako sa pamamagitan ng Talent test ng Fine Arts (na ang akala ko'y ang Uste lang ang merong ganitong kolehiyo).

Pero sa ngayon, mas mahirap nang makapasok sa unibersidad ng ating bayan. Kahit patuloy itong binubuhay ng buwis ng mamamayang pilipino, patuloy pa ring nagmamahal ang tuition. Isa na itong pagsusulit, hindi lang sa katalinuhang aspeto, kundi pati ang ekonomikal. Hindi ko alam kung anu-ano ang tingin ng mga bagong isko at iska hinggil dito. Ngunit sadyang mahaba't masalimuot ang mga dahilan.

(tatapusin...)

No comments: