Friday, December 21, 2007

Pipigilan Ko Ang Araw sa Paglubog... (MaTet komiks n0. 4)

Dati, naging paborito kong mag-ulam ng Liver Spread nung bata pa ko, ihahalo ko lang sa kanin (tulad ng addiction ko dati sa bagoong atsaka toyomansi). Wow, solb.

Kaso natapos agad ang addiction nung kinder kami ng utol ko, me panahon ng minimum yata ng 3 beses sa isang linggo kami nagu-ulam ng liver spread tuwing almusal, bago pumasok ng school. Panahon din kase na laging puyat si Ermat sa pananahi, halos wala na ring oras para magluto, at alam niyang ubra naman sa amin ang peyborit naming ulam na palaman. Eh kaso noon ko rin na-realize na ang liver spread sa kanin ay walang lasa sa mga oras na gusto mo pang matulog. Katunayan, sa ngayon nga, ni hindi ko na ma-imagine na kakain ako ng “liver spread rice”… Hohhumm…


Nwei, nagpatuloy ang naturang feeding program. Paunti-unti dumalang, hanggang tuluyan nang hininto nung mag-grade 1 ako. Pinalitan ng itlog. Yehey.

Pero impernes, masipag akong mag-aral nung kinder. Nagka-medal pa nga ako. Napapate-teorya tuloy ako kung me kinalaman dun yung liver spread... *hikab*



Sunday, December 9, 2007

...nag-xmas break ang mga bata para manood ng christmas edition cartoons... (MaTet #3)


...At iba pang pa-xmas special, tulad ng tele-seryeng "Merry Christmas, Maraming Singkamas".

Atsaka yung TV program na pang-teen na "Ang Pag-ibig, Puno ng Tubig".

At sino ba naman ang makakalimot sa naging paborito kong animated cartoon: "Sa MayBahay, Maraming Bangkay" ?

Kaya nga daw dapat kase... nakiki-uso na rin ako't nagki-christmas edition/theme na ang moda dito.

kase, kase... late nang lumabas to. parang si Matet...





Thursday, December 6, 2007

...sasabog na din pala ang utak (MaTet #2)


Kase...


Nabuburyong na ako...

Parang tanga... Kase sa lahat ng nabuburyong...

Ako yung nagpapaburyong lalo...


Haayyy...



Sabi daw, ganito magsulat ang pa-"emo"...

Or yung favorite past time ang mag-drama...

Or yung nakikinig madalas ng Emo Punk/Rock...

Or nang Goth, or ng Black Metal...

Naliligo sa elipses... (yun ba tawag dun...? yung tatlong tuldok...?)


Pero hindi naman siguro totoo sa lahat yun...

Kaya malamang, kukuyugin ang blog entry na ito...

Nang mga hardcore na mada-drama, emo, emo rocker, emo punker, gothic, at mga black metalist...


Lalo na yung mga galit sa mga taong gumagamit ng elipses... (tama ba...? elipses...? o eklipses ata...?)


...

...


... ... ...


Shet... Pointless naman nito...

Gusto ko lang namang mag-post ng komiks... Kung anu-ano pang sinulat dito...
Shet patawad...
Emo lang kase...

Tuesday, December 4, 2007

...biglang nagtrip mag-komiks (MaTet #1)

Ang tagal na ring hindi nakakapag-komiks ng regular. haayy...

Tapos bigla pa akong dinalaw ng mga gradeschool/highschool memories nung minsang pumunta ako sa school nila Kim, para kunin ang report card niya. Na puro naman palakol...


Sa takbo ng buhay ko ngayon... gusto ko tuloy bumalik ng highschool. Ah hinde, mas masarap pala ang buhay gradeschool! Kase doon, mas me lisensya kang maging abnormal. Kase doon, masarap maging magulo nang hindi mo alam kung paano kino-compute ang grades mo. Masarap makipagbabag, kase mga kinabukasan or after ilang araw, bati-bati na, kase doon hindi naman talaga seryoso ang konsepto ng "gang" -gang member ako dati kala nyo ba? ang kilabot na "Tropang P" (as in Panis). Hassle lang pag pinapagalitan ka ng teacher mo, sa harap ng crush mo, kase nga abnormal ka daw... Teka ngaps, ba't ako nagku-kwento tungkol sa gradeschool sa text? Dapat sa komiks.

Parang ganito...


Tsk,tsk... Pero masarap pa ring maging bata. 'No?


Batang abnormal. hehe...











Saturday, December 1, 2007

...tumunganga lang maghapon


Eto po muna ang opisyal kong blog...


Wala pa akong livejournal, kaya hindi ko po kilala sila mischiefmaking, porksiopao, pseudokape, at tala_anne


Ako po si Kenikenken...
... na naging iskolar ng bayan. But never been a mall rat. Nagiging house bum pa lamang pero matagal nang food-addict. hehe.


Ang Onomatopoeia pala ay essentially means "name creation". Tulad ng "miyaw", "beng-beng", at "aw-aw". Salamat sa wiki, pero ngayon ko lang siya nalaman.


Ako po si Kenikenken...
...na naging musikero pero hindi alam na me musician chatroom pala sa Yupangco.




Na hindi pa naliligaw sa del.icio.us...
sa singingfools...
sa mobile.twango...
sa pinoypride.yehey...
atsaka sa tagboard...

...datkom.


Ako po si Kenikenken...

...yung taga-FA, yung taga-Kule, sa pamantasan ng Diliman, na taga Rizal.
...na kailangan pang minsan magdagdag ng numero sa dulo.


Ako po si Kenikenken... yung nagdo-drowing. hehe. :p